i must admit, first day is not bad. actually, im happy with it. our class is noisy and there are a lot of friendly people. i already have 3 new friends-2 girls and a guy, pero madami-dami na rin yun kilala ko.
our adviser's name is marc anthony abenir and he teaches phil history. he's very energetic so i dont think that i would get bored. well, dapat lang kasi math and zoo ang subjects before him. he actually reminds me of sir reyes. haha. there's something in the way he speaks that makes me think that he's gay, but other than that, he seems like a straight guy. but then, he's catholic. we prayed before and after his class. im really bad to think he's gay. haha. but in fairness, may itsura siya ah. haha
ang hilig mag-recite ng class (1PTB) namin. 42 kami sa class today. dami noh. tapos 3 sections. nagintroduce kami during phil history and i found out na marami sa amin marunong mag-play ng musical instruments. may 3 mahilig sa photography at martial arts each. may isa mahilig sa mga trivia. grabe, i feel insignificant tuloy. buti na lang may isang lalaki na ang talent and hobby ay dota. haha.
yun mga prof sa ust, puro late. haha. well, i guess you can forgive them kasi nasa 6th floor kami. ang init init pa! grabe talaga kanina. i was sweating so hard and all my pimples were so red and obvious because of the heat.
during zoo, i found out na marami sa amin ang matatalino. naalala pa nila yun inaral sa high school. mitosis and meiosis. haha. may isa ngang guy nagbigay ng detailed explanation complete with examples. habang nagre-recite nga siya impress na impress ako kasi di ko alam ang mga pinagsasabi niya. ang dami nga sa nag-recite ang articulate magsalita. ang dami nilang alam and they know how to speak them in straight english. ako wala, nakaupo lang dun sa likod. haha.
ang hirap during lunch. may car park nga kami na puno ng restaurants eh puno rin naman ng estudyante. so lumabas pa kami ng new friends ko sa dapitan. puno ang mga fastfoods at ibang restaurants so sa 7 11 na lang kami bumili ng sandwich at patayo kumain. haha. more than 30 minutes kami sa ilalim ng init ng araw na naghahanap ng makakainan, feeling ko tuloy umitim ako. haha.
4 o'clock is our zoo lab kaya lang di namin alam kung saan yun so naligaw kami. nagkalat yun buong class sa buong building. puti yun uniform namin so para kaming lost sheep doon. sa huli, naging 6 na lang ang grupo na kasama ko and di na namin alam kung saan yun iba. di ko nga alam kung bakit walang nag-ask ng help kung saan yun lab. wala rin yata pumunta sa dean gaya ng suggestion ng adviser namin. sa huli, umuwi na lang kami.
gutom na gutom ako paglabas ng ust kasi sandwich lang lunch ko, bumili tuloy ako ng cake sa goldilocks. haha. pag-uwi ko nakita ko na ang daming dumi ng likod ng uniform ko. hay naku, di kasi nililinis yun upuan. haha.
Wednesday, June 11, 2008
first day!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment