Wednesday, September 3, 2008

3rd day of college week

grabe, may reyes and reyes annual lecture seminar kanina. sabi 9:30 ang call time. nagsimula 11:00. grr...sobrang filipino time talaga rito. tapos sobrang boring ng lecture. for the first time, nakatulog ako habang may nagsasalita sa harap ko. half yata ng class namin nakatulog. masyadong nakakahiya sa speaker. sobra pa namang busy yun speaker na yon. he is a doctor na maraming mga letra sa likod ng pangalan. siya raw ang doctor ng mga Pilipino na pumunta sa beijing para sa olympics. ang sabi nga sa introduction sa kanya na in demand siya sa mga seminars na kagaya kanina. honestly, i dont know kung bakit siya in demand. yes, marami siyang alam, pero ang boring niya. mga joke niya walang tumatawa. haha. ang sama ng mga taga-ust.

after lunch, instead of going to the CRS exhibit, which again is required, we went to the guidance office. i took a personality test...and guess what? im stubborn!! haha. i already know that. kaya nga lagi ako pinapalo ng dad ko ng belt when i was young. im also independent daw. ows. haha, takot nga mag-commute eh. ako lang ang liberal sa mga friends ko, lahat sila conservative. pasaway rin daw ako sa mga rules...haha. i prefer to work alone rin--which is true. i am shy and reserve at first--which is also true, pero sira na pag naging close. sabi nga ng councilor na natatakot siya for me, kasi baka ma-worsen yun pasaway factor na meron ako...tawa lang ako...

sa bahay, may narinig akong music kanina. first time ko yun narinig and medyo patapos na siya, hula ko westlife kumanta. tiningnan ko sa internet, westlife nga!! haha. hindi ito yun first time na nakilala ko yun music style nila. grabe, ba't ayaw nila baguhin? feel ko kasi pare-pareho na tuloy yun mga tunog ng songs nila.

but you know, i still love them!!

haha..oh cge, im gonna hear and watch their music in youtube. i miss them already!!

No comments: