gotta be quick. baka magtopak uli globe. ilang beses na ako nag-attemp na mag-post, kaya lang di kaya mag-publish. hmf!
dont worry, i dont have anything yucky to tell you guys. im trying to get to know my spiritual self better. haha. last saturday our whole class went to tarlac. up the mountain to attend mass. sosyal noh, misa lang sa taas pa ng bundok. dun kami sa monastery of tarlac. parang baguio nga, zigzag and daanan paakyat. dun kasi nakatago yun isa sa mga 3 pieces ng cross ng jesus. di naman pinakita yun cross mismo, yun lalagyan lang. boo! walang kwenta. tapos ngaun pinapagawa kami ng "mahabang" reflection paper.
pero in fairness, ang ganda ng lugar. maliit lang yun simbahan, pero yun area surrounding it maganda. tapos makikita mo yun mga mountains, yun village na may maliliit na mga bahay, yun malawak na green grass...ay basta, maganda siya. sorry, di ako poet. i cant describe it very well. all i know is if i were a painter, i would have love to stay there forever and paint the scenery. naks!
enjoy naman buong klass. may karaoke pa sa bus ride. by class number! so walang takas! guess what i sang? alam mo naman, ironic talaga buhay ko. galit ako kay sarah geronimo pero napunta pa rin sa akin yun "forever is not enough" niya. pero okay na rin yun, kaysa kay piolo pascual. yuck! yun ibang songs may rap, natuwa buong class kasi pati theo prof namin naki-rap. hahaha...
pero dun lang siya nakakatuwa. kasi ba naman, ang arte niya. pinadonate niya kami. each and everyone of us. isang sako ng bigas, cooking oil, mga kape, gatas, condiments, toothbrushes, toothpastes etc...pero nagcomplain pa rin theo prof namin. umabot ng 2 boxes and 2 big plastics ang donation ng buong class, pero ang sabi niya, "kung ganyan lang kaunti ang ibibigay niyo, wag na kayo pumunta." hello, sino tinatakot niya? parang may gusto pumunta sa una. kasi naman, 5:45 am ang leave ng bus. anong oras na kaya kami magigising. eh 6:30 pm pa naman uwian namin the day before kasi may lab. parang di niya alam tuloy kung ano ang ibig sabihin ng "donation".
ay bahala siya.
wala kami paxok ngaun!!! wahahaha. st. tomas aquinas day kasi. pero dami namang assignments and quizzes. kasi prelim week na namin next week. as usual, nagpoprocastinate rin yun mga profs dito.
nakakatuwa compa lab namin ngaun. lalo na yun practicals. lahat kami bagsak! hahaha....well...
we just dissected sharky cielo (shark ng group ko; 4 kami sa isang group). ang lalaki ng liver niya! parang saging! haha. pero mas malaki pa sa saging. dissected na rin si pidgeotto (our pigeon). wala kaming turtles, sa ibang group yun. pero pinatay na rin. kawawa nga mga hayop eh. yun mga pigeons nilunod, pero di naman sila nag-struggle. tapos sa mga turtles naman, hinila yun mga ulo para i-injection yun leeg ng lason. sniff. tapos ang brutal ng pagtanggal ng mga shells (carapace and plastron). ginamit ang saw. tapos makikita mo yun mga dugo dugo. madugo rin sa pigeon. ginupit mga ribs, pagkatapos hinila ang lahat ng feathers, para makita yun mga visceral organs. makikita mo yun mga gloves namin puro dugo talaga. parang nag-opera kami ng tao.
pero there's one subject that still didnt change. p.e. volleyball. di pa rin ako marunong mag-serve. yun pinanood ko yun twilight, nasabi ko sa sarili ko na i know how bella feels. kasi sa amin, sa akin din lagi patungo ang bola at di ko talaga siya natatamaan ng maayos. at ilang beses na rin akong natamaan sa kung anu-anong parte ng aking katawan. sniff.
pero you know what again? i feel happy. i dont know why. a while ago, i was eating lunch, and then i realized that im happy. parang ang dami bigla ng endorphins ko sa katawan. gusto ko sumigaw sa tuwa. pero i dont really know why. i just feel happy. i kept on thanking God nga eh. though i dont know what He did to me. buti ngaun medyo nag-normal na emotions ko. haha
Wednesday, January 28, 2009
long time no post
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!
Post a Comment